MANILA, Philippines – Nadakip ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at ng Station Intelligence Section (SIS) ng Las Piñas City police ang tinaguriang 3rd most wanted person (MWP) Sabado ng hapon, Nobyembre 2.
Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang nadakip na suspek na si alyas Jear, 36, top 3 MWP para sa buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni Tafalla na ikinasa ang joint operation ng WSS at ng SIS dakong ala 1:00 ng hapon sa Barangay Talon 3, Las Piñas City na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek.
Naging matagumpay ang ikinasang operasyon laban sa suspect sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas City Family Court Judge Mildred Jacinto Marquez ng Branch-2 na nakapailalim sa Criminal Case Nos. 24-0929, 24-0930, at 24-0031 na may kaugnayan sa kasong acts of lasciviousness.
Inirekomenda ng korte ang piyansang ₱540,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police habang naghihintay ng commitment order na manggagaling sa korte para sa kanyang paglipat ng piitan sa Las Piñas City jail. James I. Catapusan