Home METRO Top 3 MWP ng Navotas isinelda

Top 3 MWP ng Navotas isinelda

MANILA, Philippines- Swak sa selda ang 22-anyos na lalaking sinasabing top 3 Most Wanted Person sa Navotas matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation sa tinutuluyan nito sa Caloocan City.

Kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Badjao” ng Brgy. 28, Caloocan City na pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng District Special Operation Unit (DSOU) habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Northern Police District (NPD), matapos makatanggap ng impormasyon ang DSOU ukol sa kinaroroonan ng akusado, ikinasa ang pagtugis laban dito.

Sa pinagsamang pwersa ng NPD-DID, Northern NCR Maritime Police Station at WSS ng Navotas police, naaresto si Badjao alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng Blk. 14 Pamasawata, Brgy. 28, Caloocan City.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Romana Maria Melchora P. Lindayag-Del Rosario ng Branch 287, Navotas City noong January 30, 2024, swak sa selda si Badjao para sa kasong Murder. Merly Duero

Previous articleBarrier sa NLEX, SLEX babaklasin sa Nobyembre
Next articleOras ng trabaho sa mga korte binago sa matinding init – SC