Home METRO Top 5 most wanted timbog sa Pasay

Top 5 most wanted timbog sa Pasay

337
0

PASAY CITY, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police ang top 5 most wanted person (MWP) sa ikinasang manhunt operation Linggo ng hapon, Nobyembre 2.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang nadakip na suspek na si alyas Joselito, 25, tinaguriang top 5 MWP station level sa buwan ng Nobyembre, at residente ng No. 1948 Villa Barba, Tramo Street, Brgy. 46, Pasay City.

Base sa report na natanggap ni De Sesto, naganap ang pag-aresto kay alyas Joselito bandang ala 1:40 ng hapon sa kahabaan ang Tramo Street, Brangay 46 Zone 6, Pasay City.

Ayon kay De Sesto, ang pagdakip sa suspek ay bunsod sa bisa ng inilabas na warrant of arrest noong Oktubre 29, 2025 ni Pasay City Family Court Presiding Judge Jehan Batua Sampao-Hassiman ng Branch 11 kaugnay sa kasong kinahaharap ng suspek na Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(B) ng R.A 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. R-PSY-25-00971-CR.

Dagdag pa ni De Sesto na ang naturang kautusan ng hukom ay may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na ng nagkakahalaga ng P108,000.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng WSS ang suspek habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa kanyang paglilipatan ng kulungan sa Pasay City jail. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here