Home METRO Top 5 MWP timbog sa Pasay

Top 5 MWP timbog sa Pasay

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police ang Station Level Top 5 Most Wanted Person (MWP) Lunes ng hapon, Oktubre 7.

Base sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director PBGen. Bernard Yang kay Pasay police officer-in-charge PCol. Samuel Pabonita ay kinilala ang nadakip na suspect na si alyas Aga, 36.

Ayon kay Yang, naisagawa ang pag-aresto sa suspect dakong alas 3:45 ng hapon sa Villaruel St., Pasay City.

Ang pag-aresto kay alyas Aga ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Agosto 22, 2024 ni Pasay City Family Court Presiding Judge Jehan Batua Sampao-Hassiman ng Branch 11.

Sa kautusang inisyu ng korte ay may kaakibat itong rekomendasyon na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni alyas Aga sa halagang tig-₱200,000 bawat isa sa dalawang kasong na kaniyang kinahaharap na lascivious conduct sa ilalim ng Sec. 5(B) ng RA 7610 na may Criminal Case No. R-PSY-24-01508 to 01509-CR.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police ang suspect habang naghihintay ng commitment order na manggagaling sa korte para sa paglipat ng kanyang piitan sa Pasay City jail. James I. Catapusan