MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Las Piñas City police ang 9th most wanted person (MWP) sa station level nitong Lunes ng tanghali, Pebrero 3.
Kinilala ni P/Col. Sandro Jay Tafalla ang inarestong suspect na si alyas Roel, 34. Top 9 MWP para sa buwan ng Pebrero 2025.
Base sa report ni Tafalla kay Southern Police District (SPD) director PBGEN Samuel Abrugena, naganap ang pagdakip kay alyas Roel bandang alas 12:30 ng tanghali sa Barangay Talon 4, Las Piñas City.
Ang pag-aresto sa suspect ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Las Piñas City police ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Judge Anne Beatrice Aguana Balmaceda ng Branch 200.
Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng WSS ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 12 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa ilalim ng Criminal Case Nos. 23-1037 at 23-1038. James I. Catapusan