Home OPINION TOP DEVELOPERS AT PAG-IBIG FUND, NAGHAIN NG 50,000+ ABOT-KAYANG BAHAY AT CONDO...

TOP DEVELOPERS AT PAG-IBIG FUND, NAGHAIN NG 50,000+ ABOT-KAYANG BAHAY AT CONDO SA NATIONAL HOUSING EXPO

1
0

NAGKAIS ang mahigit 80 partner developers sa bansa upang mag-alok ng higit 50,000 ready-for-
occupancy (RFO) homes at condominium units sa ginagawang National Housing Expo sa SMX
Convention Center, Pasay City. Ang dalawang araw na aktibidad ay inorganisa ng Department of Human
Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng Pag-IBIG Fund upang direktang maihatid sa mga
pamilyang Pilipino ang mga abot-kayang opsyon sa pabahay.

Kabilang sa mga kilalang pampublikong at pribadong developer na nakilahok sa pinakamalaking housing
event na ito ay ang SMDC, Amaia Land, Avida Land, DMCI Homes, Filinvest Land, Megaworld
Corporation, PH1 World Developers, Robinsons Land, at Rockwell Land. Nag-alok ang mga ito ng mga
pampromosyong presyo, special buyer incentives, at mabilisang tulong sa pagpili ng tahanan na angkop
sa badyet at pangangailangan ng bawat pamilya.

Upang mas maging abot-kaya ang buwanang hulog para sa mga pamilyang Pilipino, inilatag ng Pag-IBIG
Fund ang mga espesyal na opsyon at promo rates sa ilalim ng Expanded 4PH Program. Para sa qualified
socialized housing buyers, ipinapatupad ang mababang subsidized interest rate na 3%. Samantala, para
naman sa mga housing loan applications na maihahain mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 31, 2026,
ipinapatupad ang promotional rate na 4.5% kada taon para sa loans na hanggang ₱4.9 million. Para
naman sa mga loan na higit ₱4.9 million hanggang ₱10 million, maaari silang makakuha ng 5.75%
annual rate. Ang dalawang nabanggit na promotional rates ay parehong fixed sa unang tatlong taon ng
loan term.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling, ang kolaborasyon ng pamahalaan at ng pribadong
sektor ay isang konkretong patunay na naglalapit sa pangarap ng bawat Pilipino na magkaroon ng
sariling bahay. Binigyang-diin naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang
pagkakaroon ng mga abot-kayang condominium at bahay na malapit sa mga lugar ng trabaho ay
malaking tulong upang makatipid ang mga manggagawa sa pamasahe, makaiwas sa trapiko, at
magkaroon ng mas maraming oras kasama ang kanilang pamilya.

Bukod sa mga bagong housing projects, nag-alok din ang Pag-IBIG Fund ng hanggang 30% discount sa
kanilang mga Acquired Assets. Mayroon ding nakahandang live assistance sa SMX Pasay para sa agad-
agarang pag-check ng loan eligibility, loanable amounts, at estimatibong monthly payments. Nagkaroon
din ng partisipasyon ang mga solar energy solution providers at home retailers na nag-alok ng discounts
para sa mga Pag-IBIG Fund Loyalty Cardholders.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here