Home METRO Top MWP ng SPD nalambat sa Pasay

Top MWP ng SPD nalambat sa Pasay

105
0

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ng Pasay City police ang Rank 1 most wanted person (MWP) sa district level Biyernes ng gabi, Setyembre 13.

Sa isinumiteng report ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita sa Southern Police District (SPD), kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Toby, 19.

Sinabi ni Pabonita na inaresto ng mga tauhan ng WSU ang suspect dakong alas-6 ng gabi sa Barangay 197, Pasay City.

Ayon kay Pabonita, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Christian Pascual Castaneda ng Branch 109 sa ilalim ng Criminal Case Nos. R-PSY-24-01405-CR, R-PSY-24-01406-CR, R-PSY-24-01407-CR, and R-PSY-24-01408-CR.

Nahaharap sa mga kasong 2 counts ng sexual assault at 2 counts ng statutory rape na ang bawat kaso ay may inirekomendang piyansa sa halagang ₱120,000.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police ang suspek habang hinihintay ang kautusan ng korte para sa paglipat ng kanyang piitan sa Pasay City jail. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here