Home METRO 13 Metro Manila police abswelto sa kasong kidnapping

13 Metro Manila police abswelto sa kasong kidnapping

MANILA, Philippines- Pinawalang-sala Department of Justice (DOJ) ang 13 dating anti-drug police officers ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagdukot sa apat na umano’y drug suspects sa Cavite noong 2021.

Lusot sina Lt. Col. Ryan Jay Orapa, Lt. Jesus Menes, Staff Sergeants Roy Pioquinto, Robert Allan Raz Jr., Denar Roda at Alfredo Andes, at Corporals Alric Natividad, Ronald John Lanara, Reynaldo Seno Jr., Troy Paragas, Ronald Montibon, Ruscel Soloman at Christal Rhine Rosita sa kidnapping and serious illegal detention charges, base sa Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) nitong Biyernes.

Inakusahan ang 13 pulis ng pagdudulot ng enforced disappearance ng apat na drug suspects noong Abril 13, 2021, sa ilalim ng umano’y kunwaring buy-bust.

Si Orapa ang dating hepe ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng NCRPO noong 2022.

Abswelto rin sa mga kaso ang tatlong sibilyan na umano’y mga asset ng mga pulis.

Naibalik na sa pwesto lahat ng pulis sa PDEG, maliban kay Paragas na sinibak sa pwesto mula sa ibang kaso.

Inihain ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) ang mga kaso laban sa mga pulis.

Sa pagbasura sa mga kaso, sinabi ni Assistant State Prosecutor Honey Rose Delgado sa DOJ resolution na ang security footage sa isang Tagaytay City coffee shop, na iprinisenta ng NBI-TFAID bilang patunay, ay “not sufficiently and convincingly identified by persons who are capable of doing so.”

Dagdag sa resolusyon, batay umano sa pagbusisi sa footage, lumabas umanong walang akusado ang malinaw na nakita, kaya ang pagtukoy sa kanila ay “difficult, if not impossible.”

Ibinasura rin ng DOJ ang perjury charges laban sa 12, dahil sa kakulangan ng ebidensya na  nagsinungaling nag respondents sa kaugnay na Senate investigation. RNT/SA