Home NATIONWIDE Top wanted NPA rebel ng Caraga, arestado

Top wanted NPA rebel ng Caraga, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang isang lalaki na itinuturing na most wanted New People’s Army rebel sa Caraga region.

Ayon kay Brig. Gen. Alan Nazarro, director ng Police Regional Office–Caraga (PRO-13) nitong Huwebes, Oktubre 3, ang rebelde ay kinilalang si “Rudy Amara,” 31, napaulat na vice commanding officer ng NPA Guerrilla Front 30.

Naaresto ito sa Carmen, Surigao del Sur noong Martes, Oktubre 1.

“Amara faces six counts of murder, five counts of frustrated murder, three counts of attempted murder, and a charge of slight illegal detention,” ani Nazarro.

Si Amara ay pasok sa second top communist priority target at second most wanted person ng rehiyon.

Bukod sa murder charges, nahaharap din si Amara sa tatlong kaso sa ilalim ng Republic Act 9208, ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. RNT/JGC