MANILA, Philippines – Inaasahang dadalo ang ilang opisyal ng pamahalaan kabilang si Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, sa ikatlong pagdinig ng Senate foreign relations committee sa pag-aresto at pagturn-over kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“The hearing will be moved [from April 8] to April 10 when the officials invited by Senator Imee (Marcos) will attend,” pahayag ni Senate President Francis Escudero.
“I don’t have the list so I do not know who specifically, but there will be a hearing and there are officials who will attend. Senator Imee requested for some of them, like General Torre, who she said has to be at the hearing,” dagdag pa niya.
Imbitadong muli si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Matatandaan na ang ikalawang hearing ng panel noong nakaraang linggo ay dinaluhan lamang ng tatlo sa 35 resource persons. RNT/JGC