MANILA, Philippines – Inilunsad ng Bayan Muna party-list ang white ribbon campaign para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK).
Sa paglulunsad, hinimok ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares ang publiko na mag-display ng puting ribbon sa kanilang mga tahanan, sasakyan at maging sa mga profile picture bilang suporta sa mga pamilya ng EJK victims.
“Maliit na bagay sa atin pero malaking bagay sa kaanak ng mga biktima. Dapat maramdaman nila na kasama tayo,” ani Colmenares.
Dagdag pa niya, ang mga EJK victim ang tunay na biktima ng war on drugs.
“Hindi lang hustisya para sa biktima ng EJK noong Duterte administration. Hustisya lahat ng paglabag sa karapatan pantao,” sinabi ni Colmenares. RNT/JGC