Home NATIONWIDE Torre, Visayas commanders nagpulong sa 5-minute response time

Torre, Visayas commanders nagpulong sa 5-minute response time

MANILA, Philippines – Nagpulong sina Philippine National Police chief Gen. Nicolas Torre III at mga opisyal ng Western at Central Visayas, at Negros Island Regions para pag-usapan ang mga estratehiya at operations implementation para sa five-minute response time.

Binisita ni Torre ang Camp Martin Delgado sa Iloilo City, headquarters ng Police Regional Office-Western Visayas, at malugod na tinanggap ni Director Brig. Gen. Jack Wanky.

Iginiit niya ang kahalagahan na tutukan at ayusin ang kanilang estratehiya dahil mayroong mga urban at rural areas sa Visayas, at dapat na alam ng mga opisyal ang nangyayari sa mga komunidad at kung anong serbisyo ang kailangang maihatid.

“They can assess what the people need,” aniya.

Ang five-minute response time ay nagsisimula sa pag-dispatch ng mga responders, matapos na matanggap ang impormasyon sa command center.

Ang lahat tawag sa hotline 911 ay matatanggap sa command center sa Camp Crame, o kung ang impormasyon ay makuha ng 911-Cebu para sa Visayas areas.

Siniguro ni Torre na tutugon ang mga awtoridad matapos matanggap ang tawag. RNT/JGC