Home ENTERTAINMENT Totoong dahilan sa pagsibak kay Rabiya, inilabas!

Totoong dahilan sa pagsibak kay Rabiya, inilabas!

Manila, Philippines- Hindi raw totoong may alitan sina Rabiya Mateo at Faith de Silva kung bakit wala na ang una sa kanilang morning show ng GMA na Tiktok Clock.

Ito ang ipinagdiinan ng mga hosts na bumubuo ng Marisol Academy.

Marami kasi ang nahihiwagaan sa biglaang pagkawala ni Rabiya sa nasabing show.

Nabalita ngang may namamagitang friction sa kanila ni Faith.

Naiulat ding mas gusto raw magpokus ni Rabiya sa pag-arte kesa sa hosting.

Pero ayon sa scoop ng Marisol Academy, nakatikim daw ng “pananabon” si Rabiya mula sa executive producer ng show.

May kaugnayan ang paninita ng EP kay Rabiya sa pagiging late niyo sa isang episode.

Ang dahilan: kakatsika sa Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios na nasa bansa kamakailan.

Nagsimula na raw umere ang TikTok Clock pero wala pa sa show si Rabiya.

Ang ending: talak daw ang inabot nito mula sa EP.

Hindi umanio nagustuhan ni Rabiya ang ipinatikim sa kanya ng EP.

Inaalam pa sa ngayon ng Marisol

Academy kung kusa bang nagbitiw bilang host si Rabiya o sinipa dahil sa pagiging late.

Sumang-ayon naman ang isang co-host na galing sa ABS-CBN na ganoon daw talaga ang kalakaran sa TV.

Talagang tatalakan ka raw ng executive producer ng anumang programa kapag sumasablay ka. Ronnie Carrasco IiI