Home NATIONWIDE Tourism investments sa Pinas sumampa sa P509B noong 2023

Tourism investments sa Pinas sumampa sa P509B noong 2023

MANILA, Philippines- Pumalo ang kabuuang tourism investments sa Pilipinas sa P509 bilyon noong 2023, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na mas mataas ito ng 34 porsyento kumpara sa tourism investments noong 2022.

Paliwanag pa niya, ang pinakamalaking ambag sa tourism ventures noong nakaraang taon ay mula sa accommodation sector, saklaw ang 51 porsyento ng kabuuan.

“The power of tourism to improve the lives of Filipinos through job creation rests on two critical and interdependent drivers of tourism growth: tourism expenditures and tourism investments,” sabi ni Frasco sa 2024 Philippine Tourism and Hotel Investment Summit noong Hunyo 21, sa inilabas na pahayag ng DOT nitong Sabado.

Nagtipon sa Philippine Tourism and Hotel Investment Summit ang tourism leaders at investors sa buong mundo.

“Through this summit…we look forward to further collaborations with hotel owners, investors, and developers to expand their projects in the Philippines, make new investments, thereby increasing room inventory and enhancing our global competitiveness,” wika pa ni Frasco. RNT/SA