Home NATIONWIDE Toxic watchdog group may babala sa sikat na laruan

Toxic watchdog group may babala sa sikat na laruan

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala ang Toxic watchdog group na BAN Toxics sa paglaganap ng mga laruang machine gun na may rechargeable na baterya na gel blaster gamit ang mga plastic bead na sumisipsip ng tubig o mga gel ammunitions at katulad na laruan.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics campaig expert ng BAN Toxics na kadalasan, ang label ng laruan ay ‘non-toxic’, water beads na naglalaman ng superabsorbent polymer at hindi natutunaw.

“When ingested, the beads absorb the body’s fluids and can expand, leading to symptoms such as vomiting, dehydration, intestinal blockage, infection, and even death. Urgent surgical intervention may be necessary to extract the beads from the intestine.”

Sa United States, halos 7,000 pinsalang nauugnay sa pagkalunok ng water beads ang naidokumento sa pagitan ng 2018 at 2022.

Ilang bansa ang naglabas ng mga product recalls at safety warnings sa panganib ng mga laruang water-expanding kabilang ang US, Canada, Australia, at ilang European countries kabilang ang United Kingdom, Spain, Poland at Cyprus.

Bagamat ang paglunok ay maaaring hindi magdulot ng pinsala sa isang tao, ang chemical toxicity na nauugnay sa ilang brand ng water beads ay maaaring tumindi sa paulit-ulit na pagkakalantad dito sa mahabang panahon, na humahantong sa masamang epekto sa kalusugan gaya ng mga isyu sa central nervous system at pagbaba ng fertility.

“While the country has established a national standard for toys, enacted a law for safety labeling of toys and issued related regulations to safeguard Filipino children, there is an urgent need to enhance the current regulatory framework to address the growing concerns of chemical toxicity, unregulated production and importation, and resulting environmental impact of toy plastic wastes and e-waste,” ayon sa BAN Toxics.

Hinimok ng BAN Toxics ang Food and Drug Administration (FDA), Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang post-market surveillance at magsagawa ng testing ng water beads para sa chemical toxicity.

Pinayuhan din nito ang mga magulang at caregivers na pangasiwaan ang mga bata kapag naglalaro ng water beads o iwasang bumili ng mga produktong ito kung mayroon silang maliliit na anak sa bahay.

Kalahok ang BAN Toxics sa iba pang environmental organizations sa Ottawa, Canada mula Abril 23-29 para sa ika-apat na sesyon ng Intergovernmental Negotiation Committee (INC-4) upang itulak ang isang legal na umiiral na pandaigdigang kasunduan na naglalayong bawasan ang polusyon sa plastik. Jocelyn Tabangcura-Domenden