Home NATIONWIDE Trabaho, health services hatid ni PBBM sa Kabite

Trabaho, health services hatid ni PBBM sa Kabite

MANILA, Philippines- Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatibang “Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas” sa Cavite province para iangat ang buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng employment opportunities, healthcare services, at abot-kayang kalakal.

Sa pagsasalita sa harap ng mga jobseekers at nag-avail ng medical services at naghahanap ng mas murang produkto sa Dasmariñas Arena, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang whole-of-government approach ng gobyerno para i-streamline ang serbisyo at gawin itong mas accessible sa publiko.

“Kaya po kami nandito upang ibuo itong aming mga ginagawa na isang pagsasama-sama ng mga iba’t ibang departamento upang makapagbigay ng tulong sa inyo, upang makapagbigay ng kung anuman ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Hindi po kaya ng isang departamento lamang. Kaya’t ganito po ang aming ginagawa,” dagdag na wika nito.

Itinampok sa event ang job fair na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), nag-aalok ng tinatayang 3,600 job vacancies mul sa 41 employers.

Tinatayang may 3,000 job seekers, kabilang na rito ang mga graduates ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), nakiisa sa aktibidad.

Namahagi naman ang DOLE ng P5,600 kada isa sa 500 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program at nagkaloob ng iba’t ibang livelihood at financial aids sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Nagsagawa naman ang Department of Health (DOH) ng medical mission na nag-aalok ng serbisyo gaya ng laboratory screenings, electrocardiograms o ECGs, X-rays, medical consultations, pneumonia vaccinations, at probisyon ng medisina.

Idagdag pa rito, namahagi ang Department of Social Welfare and Development ng P3,000 sa bawat isang AICS beneficiary, habang ang KADIWA stalls ng Department of Agriculture (DA) ay nagkaalob naman ng abot-kayang basic goods.

Nakapagbenta naman ang National Food Authority (NFA) ng 8,000 kg. (160 bags) ng bigas sa halagang P29.00 per kg., kasama ang 2,500 kg. (50 bags) sa ilalim ng Rice-For-All program sa halagang P35.00 per kg.

Muli namang pinagtibay ni Pangulong Marcos ang commitment ng kanyang administrasyon na suportahan ang mga Filipino.

“Asahan po ninyo at ang inyong pamahalaan ay lagi pong nandito, lagi pong nag-aalalay po sa inyong lahat,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos. Kris Jose