ILOILO CITY – Pinukaw ni boxing legend at senatorial candidate Manny Pacquiao ang damdamin ng mga taga-Iloilo sa kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ibinahagi ang kanyang pinagdaanang kahirapan at pangarap para sa bansa.
Ikinuwento ni Pacquiao ang kanyang karanasan sa matinding kahirapan, mula sa pagtulog sa lansangan hanggang sa gutom na hindi alam kung kailan susunod na kakain.
Nangako siyang itutulak ang murang pabahay, pangmatagalang hanapbuhay, at libreng edukasyon para sa mahihirap. Isa rin sa kanyang pangunahing adbokasiya ang pagbibigay ng pondo sa maliliit na negosyo upang makalikha ng mas maraming trabaho.
Ipinahayag din niya ang hangaring mag-iwan ng legasiya, gaya ng ginawa ni Lee Kuan Yew sa Singapore.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, nanawagan siya ng pagkakaisa upang mapaunlad ang bansa, pinatunayan na hindi pa tapos ang kanyang laban—ngayon, para sa Senado. RNT/Cesar Morales