MANILA, Philippines- Matinding kinondena ni Senador Grace Poe ang pang-aabuso at pagpapabaya sa mga hayop sa loob ng Masbate dog pound na kumalat sa social media na nagpapakita na inabandona ang patay na aso sa loob ng pasilidad.
Sa pahayag, itinuring ni Poe na nakakadismaya o nakakasuka at kailangang may managot sa responableng opisyal ng pasilidad.
Aniya, dapat maging makataong pasilidad ang local government-run at tumupad sa Animal Welfare Act.
“Sadly, as manifested by this incident, wanton neglect is a daily reality for many animals under the care of some barangays (villages),” wika niya.
Dahil dito, muling binanggit ni Poe ang pagsasabatas ng panukala na magpapalakas sa animal welfare laws bago matapos ang kasalukuyang Kongreso.
Kabilang sa panukala ang paglikha ng isang Animal Welfare Bureau, sa mangangasiwa sa pagkilos hinggil sa proteksyon ng hayop sa buong bansa at tiyakin ang pagpapatupad nito.
“Abuse, cruelty, and neglect of animals will no longer be dealt with warnings or mere slap on the wrist, but with swift and severe penalties,” giit ni Poe.
Umani ng pagbatikos ang isang dog pound sa local government ng San Jacinto, Masbate mula sa ilang nag-aalaga ng aso at ilang animal welfare groups matapos kumalat ang isang video sa social media na ipinakikita ang isang aso na naipit ng kulungan ang ulo na ikinamatay nito. Ernie Reyes