Home METRO P2M ‘bato’ narekober sa babaeng nag-viral sa pagsinghot ng shabu

P2M ‘bato’ narekober sa babaeng nag-viral sa pagsinghot ng shabu

ILOILO CITY- Umabot sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa isang babae at dalawang lalaki na kasama nito matapos mag-viral ang post nito sa online social media sa paghithit ng shabu, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Sa isinagawang operasyon ng ahente ng Iloilo Provincial Police Office-Provincial Drug Enforcement Unit (IPPO-PDEU), na pinangunahan ni Police Major Dadje Delima, nadakip ang suspek na kilala sa pangalang Apple, taga-Estancia, Iloilo.

Nakuha sa suspek ang 290 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P2 milyon.

Ayon sa pulisya, isinailalim nila sa limang buwang monitoring ang suspek dahil na rin sa reklamo ng mga residente na talamak na bentahan ng shabu sa kanilang lugar.

Nakatanggap din ng intelligence reports ang pulisya na si Apple ang pangunahing distributor ng shabu sa northern Iloilo at ilang bahagi ng probinsya ng Capiz.

Naniniwala rin ang mga awtoridad na ang suplay ng shabu ng suspek ay nagmula sa Iloilo City at Metro Manila.

Matatandaang nagviral sa social media pinost ni Apple ang aktong paghithit nito ng shabu.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso si Apple at dalawang lalaking kasama nito. Mary Anne Sapico