Home ENTERTAINMENT Bea, di ililigwak ng GMA!

Bea, di ililigwak ng GMA!

Manila, Philippines – Ngayon mas napatunayan na tuloy pa rin ang ligaya para kay Bea Alonzo over at GMA.

Umugong kasi ang tsismis na ililigwak ng Kapuso network ang aktres.

Eh, obyus naman kung saang kampo nanggagaling ang pekeng balitang ito?

How could that be possible, eh, magkatabi pa nga ang photo frames nila ni Marian Rivera sa Kapuso Wall sa loob ng GMA Compound?

Nasa first line ang mga photo frames nina Marian at Bea.

Common sense na lang: bakit doon ipupuwesto ang photo frame ni Bea kung ang ending naman pala’y ililigwak din siya ng istasyon?

At para sa impormasyon ng marami, hindi pa man nagpapaalam sa ere ang Widows’ War nila ni Carla Abellana ay inihahanda na ang next TV assignment ni Bea.

For Bea’s photo frame to be put alongside Marian speaks volumes.

Doon pa lang ay alam na!

So, Bea’s fans need not worry: their idol is there to stay with GMA! Ronnie Carrasco III