MANILA, Philippines- Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na nakatakdang rebyuhin ng Senado ang partylist law na hawak o kontrolado ang karamihan ng ilang malalaking angkan ng politiko, negosyante, walang adbokasiya at hindi kumakatawan sa partikular na sektor alinsunod sa Saligang Batas.
Inihayag ito ni Escudero matapos ilabas ang isang pag-aaral na mahigit sa kalahati sa tinanggap na partylist ng Commission on Election (Comelec) ay pawang hindi kumakatawan sa marginalized sectors na itinakda ng batas.
Rerebyuhin ng Senado ang Republic Act 7491 or the Party-List System Act na tila inaabuso ng ilang nagpapakilalang kinatawan ng isang “marginalized sector” tulad ng bumbero, may-ari o gumagamit ng gas sa pagluluto, lahi o lengguwahe sa isang partikular na rehiyon.
“I believe that there is a need to revisit it given that the intent of the framers seems to have been subverted, not only in the Party-List law but also based on the numerous decisions of the Court,” ayon kay Escudero.
Sinabi ni Escudero na kasama ang pagsusuri ang pagkilala sa sektor na kailangan may kinatawan sa Kongreso.
“Any such review should begin by identifying ‘What are sectors that comprise Philippine Society today that need representation in Congress?’ This list should be exhaustive and to the exclusion of other sectors that will not be included. After this, we can decide on the process on how we will elect who will represent each sector,” giit ng senador.
Inihayag din ng lider ng Senado na naisama na rin ito sa batas na lumikha sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“We have done something similar in the BARMM law where we distinguished sectoral from party representatives,” wika niya.
Nitong Miyerkules, inilabas ng election watchdog Kontra Daya na aabot sa 55.13% o 85 mula sa 156 party-list groups na kumakandito sa House of Representatives ang walang kinakatawang mahihirap o underrepresented.
Mula rito, 40 party-list groups ang kontrolado ng political clans, 25 ang hawak ng malalaking negosyante, 18 ang may koneksyon sa pulisya at militar, pito ang may kasong korapsyon at 11 ang walang adbokasiya, ayon sa Kontra Daya.
Siyam naman ay may limitadong impormasyon base sa forms na isinumite nito sa Comelec.
Noong 2013, nagpalabas ng desisyon ng Supreme Court na kailangang “marginalized or underrepresented” o walang “well-defined political constituencies” ang isang partylist na hihingi ng accreditation sa Comelec sa ilalim ng party-list system.
Binanggit ng Korte Suprema na kabilang sa marginalized at underrepresented sectors ang paggawa, labor, peasant, fisherfolk, urban poor, indigenous cultural communities, handicapped, veterans, at overseas workers.
“Professionals, the elderly, women, and youth are the groups that lack well-defined political constituencies,” ayon pa sa SC.
“The nominees of sectoral parties or organizations that represent the ‘marginalized and underrepresented’ or that represent those who lack ‘well-defined political constituencies’ either must belong to their respective sectors or must have a track record of advocacy for their respective sectors,” dagdag ng SC.
Maaari ring lumahok ang national parties or organizations at regional parties o organizations sa party-list system, ayon pa sa desisyon. Ernie Reyes