Home NATIONWIDE Trabaho para sa PWDs, palalawakin ng DSWD

Trabaho para sa PWDs, palalawakin ng DSWD

253
0

MANILA, Philippines – Nangako si Department of Social Workers and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na palalawakin ang oportunidad sa trabaho para sa mga persons with disabilities (PWDs) kasunod ng paglulunsad ng bagong guidelines ng ahensya sa inclusive hiring.

Tinitiyak ng Administrative Order 11, serye 2025, na hindi bababa sa 1 porsyento ng lahat ng posisyon sa DSWD ay nakalaan para sa PWDs.

Binigyang-diin ni Gatchalian na hindi ito simboliko, kundi tunay na posisyon para sa PWDs, at sa kasalukuyan, 411 personnel o 1.01 porsyento ng 40,828 staff ng DSWD ang PWDs. Kabilang sa guidelines ang pagsasanay ng HR officers sa inclusive hiring, basic sign language, at tamang paggamit ng assistive devices.

Nangako rin siyang itulak ang pagpapatupad ng mga guidelines na ito sa lahat ng ahensya ng gobyerno upang itaguyod ang pantay na oportunidad sa trabaho at isang inklusibong kapaligiran sa trabaho. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here