Home NATIONWIDE Safety compliance monitoring sa mga pailaw at paputok, iniatas ng DOLE

Safety compliance monitoring sa mga pailaw at paputok, iniatas ng DOLE

298
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng kanilang regional offices na mahigpit na imonitor ang mga kumpanya sa industriya ng pyroteknics upang masiguro ang pagsunod sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS) ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa Labor Advisory No. 18, inutusan ng DOLE ang mga tauhan sa rehiyon na bantayan ang mga kumpanyang sangkot sa manufacture, distribution, at pagbebenta ng pyrotechnics upang matiyak ang pagsunod sa Republic Act 11058, o ang Occupational Safety and Health (OSH) Law.

Pinapaalalahanan din ng DOLE ang mga pribadong kumpanya na seryosohin ang mga regulasyon at panatilihin ang kaligtasan ng mga manggagawa.

Mag-uulat ang mga rehiyonal na tanggapan ng listahan ng mga kumpanyang mino-monitor sa Bureau of Working Conditions hanggang kalagitnaan ng Enero 2026. Sinimulan na rin ang mga inspeksyon sa mga high-risk workplaces upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang proteksyon ng mga manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, mahalaga ang regular na pagsusuri upang masiguro na ang tumataas na demand sa paggawa ngayong Kapaskuhan ay hindi magdudulot ng panganib sa kaligtasan ng mga manggagawa.

Kabilang sa mga prayoridad ng inspeksyon ang boiler at electrical systems, pati na rin ang mga high-risk establishments na kinilala sa ilalim ng Department Order No. 252.

Hinihikayat ng DOLE ang mga manggagawa na magsampa ng pormal na reklamo o mag-ulat ng paglabag sa pamamagitan ng:

DOLE Hotline 1349 (Lunes–Biyernes, 6 a.m. – 10 p.m.)

Email: [email protected]

Opisyal na Facebook page ng DOLE

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagsusumikap ng DOLE na mapanatili ang kaligtasan sa trabaho, lalo na sa mga sektor ng paggawa, konstruksyon, pyroteknics, at transportasyong pampubliko sa panahon ng Kapaskuhan.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here