Home ENTERTAINMENT Ellen, ipinasilip lilipatang bahay!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ellen, ipinasilip lilipatang bahay!December 3, 2025 19:002570 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May pa-teaser si Ellen Adarna sa lilipatan niyang bahay.Matatandaang ang huling post ni Ellen ay yung nakahilera ang aabot sa 11 na bilang ng mga maletang dadalhin niya.Tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan sa pag-eempake.Sa kanyang latest video, makikita ang lilipatan niyang bahay na may sprawling lawn.Mapapansing madamo ito at may mga bulaklak pang nakatanim.“Soon to be plantita!” post ni Ellen, na magiging hobby nga’y mag-alaga ng mga halaman sa kanyang bakuran.Sa kanyang Instagram Stories, makikita namang tinatanggalan niya ng plastic wrap ang brand-new refrigerator, with the help of her friends.Maririnig sa background ang awiting Be My Baby habang ang kanyang mga kaibigan ay nag-greet: “Happy Thanksgiving!”May kuha rin sila ng kaibigang si Beauty Gonzales with her daughter Olivia, at sila naman ni Baby Liana.Samantala, inaabangan ng mga netizens ang reaction ni Derek Ramsay sa social media.Ronnie Carrasco III