Home NATIONWIDE Trading company officers kinasuhan ng BIR sa pekeng resibo

Trading company officers kinasuhan ng BIR sa pekeng resibo

MANILA, Philippines- Naghain ng reklamo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes laban sa corporate officers at isang accountant ng trading company sa paggamit ng mga pekeng resibo.

Ayon sa BIR, sinampahan nito ng kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 ang corporate officers at isang accountant, maging may-ari ng mga pekeng negosyo.

Inihayag ng BIR na gumamit ang kompanya ng mga pekeng resibo sa pagsasabing bahagi ito ng kanilang cost of sales noong 2021.

“This case is particularly deceitful because it was the company accountant who provided a way to get fake receipts,” pahayag ni BIR Commissioner Romeo ”Jun” Lumagui Jr.

Dagdag ni Lumagui, nakipagsabwatan umano ang company accountant sa kanyang mga kaanak upang lumikha ng mga pekeng negosyo upang magamit ng kompanya ang mga pekeng resibo sa ilegal na aktibidad. RNT/SA