Home NATIONWIDE Training facility sa shipbuilding target ng DOLE, Korean partners

Training facility sa shipbuilding target ng DOLE, Korean partners

2
0

MANILA, Philippines – Minamadali na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang panukalang shipbuilding training center sa Zambales kasunod ng pakikipag-ugnayan sa mga Korean executives nitong Biyernes.

Inanunsyo ito sa isang pagpupulong kasama ang HD Hyundai Heavy Industries Co., Ltd. o HHI at ang Korea Marine Equipment Research Institute o KOMERI.

Sa nasabing pagtitipon, inihain ng DOLE ang panukalang Official Development Assistance o ODA project kasama ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ayon sa ahensya, layunin ng inisyatibang ito na palakasin ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino sa industriya ng paggawa ng barko para sa mas matibay na maritime capabilities at resources ng bansa.

Pinasinayaan ng HD Hyundai Heavy Industries ang shipyard nito sa Subic, Zambales noong nakaraang taon, kung saan nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibabalik ang sigla ng industriya ng paggawa ng barko sa bansa.

Ang Hyundai, isa sa pinakamalaking kumpanya ng paggawa ng barko sa mundo, ay kabilang sa mga tenant sa 310-hectare na maritime at industrial complex, na kilala rin bilang Agila Subic shipyard. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here