MANILA, Philippines – Minartilyo ng galit na e-bike driver ang isang trak sa insidente ng road rage sa Quezon City.
Iniimbestigahan na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang viral na insidente na nangyari sa Sgt. Rivera Street.
“Nung tinanong natin itong victim, sumingit itong e-bike, naunahan siya. Ang ginawa nitong truck driver binusinahan nang binusinahan, nairita itong naka e-bike kaya hinarang siya doon, nagkaroon sila ng commotion,” ayon kay QCPD Police Station 1 Commander Police Lieutenant Gilbert Cruz, sa panayam ng GMA News.
Sinabi ng truck driver na sinuntok siya ng e-bike rider bago pa niya nakuhanan ng video ang pangyayari.
Agad naman na nagtago ang rider ng e-bike na sangkot sa insidente.
“Na-identify natin. Ang problema nagtatago siya ngayon. Kinakausap namin ang magulang na lumutang para malaman natin yung side niya,” ani Cruz.
“Sumama, sinamahan ng asawa niya sa pagtatago.”
Hinimok naman ng pulisya ang publiko na manatiling kalmado sa kalsada upang maiwasan ang mga ganitong insidente.
Hindi na nagbigay ng komento ang trak driver sa abiso na rin ng kompanya na huwag nang humarap sa media. RNT/JGC