Home HOME BANNER STORY ‘Trangkaso Bye-Bye’ campaign inilunsad ng DOH

‘Trangkaso Bye-Bye’ campaign inilunsad ng DOH

327
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang “Trangkaso Bye-Bye!” campaign upang turuan ang publiko sa tamang paraan na maiwasan ang influenza o flu.

Itinatampok ng kampanya ng ahensya ang mga simple ngunit epektibong paraan upang maiwasan ang trangkaso, binibigyang-diin ang wastong kalinisan, sapat na pahinga at mabuting nutrisyon bilang mga pangunahing hakbang para sa proteksyon.

Nauna nang nilinaw ng DOH na habang walang flu outbreak, nanatili ang bansa sa panahon ng trangkaso na karaniwang tumatagal mula sa tag-ulan ng Hunyo hanggang sa paglipat sa hilagang-silangan o Amihan.

Batay sa pinakahuling surveillance nito, nakapagtala ang DOH ng 6,457 kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, na mas mababa ng 25 porsiyento kumpara sa 8,628 kaso na naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa ahensya, ang ILI ay isang respiratory infection na dulot ng mga virus tulad ng Influenza A at B, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Rhinovirus.

Pinaalalahanan ni Assistant Secretary Albert Domingo, ang tagapagsalita ng DOH, ang publiko na patuloy na sundin ang preventive practices kahit walang mandatory protocols. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here