Home Uncategorized Transgender pageant candidate pinatay sa Bukidnon

Transgender pageant candidate pinatay sa Bukidnon

1
0

CAGAYAN DE ORO CITY — Patay ang isang 23-anyos na transgender woman at beauty pageant candidate matapos pukpukin sa ulo ng matigas na bagay sa isang masukal na bahagi ng Barangay Sumpong, Malaybalay City, Bukidnon, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Betty Benito, residente at kinatawan ng Barangay Manalog sa isang beauty pageant.

Natagpuan si Benito na nakahandusay at duguan ang ulo. Nakababa rin ang kanyang salawal at nakalantad ang maselang bahagi ng katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon at salaysay ng isang testigo, nakita ang biktima na kasama ang isang lalaki bago ang insidente. Itinuturing na person of interest ng pulisya ang naturang lalaki.

Isinugod si Benito sa Bukidnon Provincial Medical Center ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

Nagpaabot naman ng pakikiramay at mariing kinondena ng mga organizer ng pageant ang pagpatay kay Benito.

Inilarawan nila ang biktima, na tumanggap kamakailan ng Tourism Leadership Award, bilang inspirasyon sa LGBTQIA+ community.

Nanawagan din ang mga organizer ng hustisya, pagkakapantay-pantay, at pagwawakas sa diskriminasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here