Home METRO DOLE, suportado P350,000 income tax exemption

DOLE, suportado P350,000 income tax exemption

1
0

MANILA, Philippines — Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas mula P250,000 sa P350,000 ang taunang kita na hindi papatawan ng personal income tax.

Ayon sa DOLE, makatutulong ang panukala upang madagdagan ang take-home pay ng milyon-milyong manggagawa sa buong bansa.

Hinimok ni Marcos ang Kongreso sa kanyang kamakailang State of the Nation Address na amyendahan ang kasalukuyang tax exemption ceiling na itinakda sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na magbibigay ito ng agarang ayuda sa mga manggagawang mababa hanggang katamtaman ang kita, gayundin sa maliliit na lokal na negosyo.

“’Pag ginawa po na P350,000 and below, ay mas marami po ang makikinabang dyan, definitely. Hindi lang minimum wage earners, kundi pati ‘yung mataas-taas sa minimum wage,” Tolentino said.

Hinimok din ni Tolentino ang mga mambabatas na unahin ang kinakailangang pag-amyenda sa National Internal Revenue Code.

Aniya, maaaring mapabilis ng Kongreso ang pagpasa ng panukala bago matapos ang taon, kasabay ng iba pang administratibong ayuda tulad ng tax amnesty na maaaring ipatupad ng Bureau of Internal Revenue sa ilalim ng umiiral na mga batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here