Home HOME BANNER STORY Transport strike, ‘generally peaceful’ — PNP

Transport strike, ‘generally peaceful’ — PNP

141
0

MANILA, Philippines — Nanatiling generally peaceful ang ikalawang araw ng nationwide transport strike, ayon sa Philippine National Police (PNP), sa kabila ng ulat ng mga stranded na pasahero sa Metro Manila.

Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., walang naitalang malaking insidente at agad na naresolba ang mga minor disruptions sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon ng mga pulis sa ground.

“We did not monitor any major untoward incident. There were some minor disruptions but this was immediately resolved through proper communication initiated by our personnel on the ground,” ani Nartatez.

“Police visibility helps deter incidents. Kapag may presensya ang pulis, mas nagiging disiplinado ang lahat,” dagdag pa niya.

Aabot sa halos 9,000 police personnel at nasa 400 sasakyan ang idineploy sa Metro Manila upang tiyakin ang kaayusan at tumulong sa mga apektadong commuter.

Binigyang-diin ni Nartatez na ipinatutupad ang maximum tolerance para sa mga nagpoprotesta.

Ang tigil-pasada, na nasa ikalawang araw na, ay isinasagawa ng iba’t ibang sektor ng transportasyon kabilang ang jeepney, bus, UV Express, transport network vehicle services (TNVS), at motorcycle taxi bilang protesta sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Nanawagan ang No To Oil Price Hike Coalition na alisin ang value-added tax (VAT) at excise tax sa produktong petrolyo, ibalik sa P55 kada litro ang presyo ng langis, ibasura ang Oil Deregulation Law, magpatupad ng taas-pasahe, magbigay ng P1,200 family living wage, at isabansa ang industriya ng langis.

Ayon sa grupo, dapat ding matigil ang mga digmaan upang mapababa ang presyo ng langis.

Bilang tugon, naglunsad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng libreng sakay para sa mga commuter na apektado ng transport strike. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here