Home NATIONWIDE Transwoman kinatay, itinapon sa ilog

Transwoman kinatay, itinapon sa ilog

PEÑABLANCA, Cagayan — Kinondena ng LGBTQIA+ community sa Cagayan ang malagim na pagpatay sa isang transwoman na ang bangkay ay natagpuang lumulutang sa isang ilog sa Amulung, Cagayan noong Lunes.

Humingi ng hustisya ang grupo para kay Gian Molina, 18, residente ng bayang ito, incoming first year Business Management student sa Cagayan State University Caritan Campus.

Narekober ang bangkay ng biktima na may malalang sugat sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Umalis umano ang biktima sa kanyang tahanan noong Sabado, Hunyo 21, para matulog sa bahay ng kaibigang LGBTQIA+ sa Zone 5 dito nang siya ay mawala.

Sinabi ng pulisya na natukoy na nila ang mga persons of interest sa krimen.

Isinailalim sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Isang LGBTQIA + group sa Cagayan ang umapela ng hustisya para sa biktima. RNT