Home NATIONWIDE Travel scams sa Holy Week break, ibinabala

Travel scams sa Holy Week break, ibinabala

121
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Scam Watch Pilipinas laban sa dumaraming travel scams kasabay ng pagsisimula ng Holy Week exodus, kung saan target ang mga Pilipinong naghahanap ng mas murang biyahe.

Ayon kay Scam Watch PH co-founder Jocel de Guzman, ang pagtaas ng pamasahe dulot ng mahal na langis ang nagtutulak sa mas maraming Pilipino na maghanap ng diskwento, kaya mas nagiging bulnerable sa panlilinlang.

“These scams are designed to create urgency and lower your guard. If you’re being rushed to pay or the price is far below market, that’s already a red flag,” aniya.

Kabilang sa mga karaniwang modus ang pekeng accommodation na inaalok sa mababang presyo ngunit hindi naman totoo. Pinapayuhan ang mga biyahero na mag-book lamang sa mga verified platforms at direktang makipag-ugnayan sa hotel bago magbayad.

Nagbabala rin ang grupo laban sa fake Wi-Fi hotspots sa mga airport, hotel, at tourist areas na ginagamit upang makuha ang personal at banking information ng mga gumagamit.

“The public is urged to avoid sensitive transactions on public Wi-Fi, use a VPN, and verify network names with staff,” ayon kay De Guzman.

Kabilang din sa mga scam ang “too-good-to-be-true” travel deals na ipinapadala sa email, SMS, o social media, pati na ang pagbebenta ng murang airline tickets ng mga hindi awtorisadong indibidwal.

“Consumers should verify directly with airlines or hotels, avoid random links and messages, research providers before booking, and use official travel apps when transacting,” dagdag niya.

Hinimok din ang publiko na isabuhay ang “Kontra Scam Attitude” sa pamamagitan ng pag-iwas sa madaliang pagbabayad, pagberipika ng mga alok, at pag-report ng kahina-hinalang transaksyon sa national anti-scam hotline 1326.

“Awareness is our strongest defense. As travel costs rise, verification and vigilance become even more critical,” aniya.

Ang Holy Week o Semana Santa ay taunang paggunita na nagsisimula sa Holy Monday hanggang Easter Sunday, kung saan ang Huwebes Santo at Biyernes Santo ay regular holidays, at ang Black Saturday ay special non-working holiday. Santi Celario 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here