Home NATIONWIDE Travel tax pina-aalis ni Erwin Tulfo

Travel tax pina-aalis ni Erwin Tulfo

288
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ngayon ni Senador Erwin Tulfo ang panukalang batas na naglalayong alisin ang singil na ipinataw ng gobyerno para sa lahat ng taong aalis ng bansa.

Sinabi ni Tulfo, sa paghahain ng Senate Bill No. 1409 na ang kasalukuyang travel tax na ipinapataw sa mga manlalakbay ay humahadlang sa karapatan ng mga Pilipino sa paglalakbay.

Ang SB No. 1409, aniya, ay naglalayong tanggalin ang buwis sa paglalakbay, na binanggit ang ASEAN Tourism Agreement na nilagdaan ng Pilipinas noong 2002.

“Nearly 14 years since the Philippines signed the ASEAN Tourism Agreement, we still impose this travel tax,” ayon kay Tulfo.

Ayon sa senador, ang panukala ay isang “concrete step toward ensuring that travel becomes more equitable, accessible, and reasonably priced for Filipinos.”

Batay sa kasalukuyang koleksyon ng buwis sa paglalakbay, ang Republic Act No. 1478 (Tourism Board Law) ay naglalaan ng 50 porsiyento ng mga koleksyon sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Board of Travel and Tourist.

Samantala, ang RA 7722 (Higher Education Act) ay naglalaan ng 40 porsiyento ng kita sa Commission on Higher Education (CHED), at ang RA 9593 (Tourism Act of 2009) ay naglalaan ng natitirang 10 porsiyento ng mga koleksyon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Sa kasalukuyan, mula P1,620 hanggang P2,700 ang mga rate ng buwis sa paglalakbay para sa ekonomiya hanggang sa unang klase. Ang Standard Reduced rates ay P810 hanggang P1,350, at Privileged Reduced rates para sa mga dependent ng Overseas Filipino Workers ay P300 hanggang P400.

“If we really want to improve the country’s tourism sector and be at par with our neighboring Southeast Asian countries, we have to remove these barriers that disempower Filipinos to travel,” ayon kay Tulfo.

“Filipinos deserve a better travel experience that could render not only good memories but also better expose them to various cultures around the world,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here