Home ENTERTAINMENT Trevor, di makikipagbalikan kay Rufa Mae!

Trevor, di makikipagbalikan kay Rufa Mae!

California, USA – New year, new beginning din ba ito para sa estranged couple na sina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes?

Ikinatuwa kasi ng mga netizens ang ipinost ni Trevor sa social media nitong January 1.

Naglalaman ang Reels na ‘yon ng mga solo videos at photos ng kanilang anak na si Athena Alexandria.

But what caught the attention of the netizens ay ang larawan kung saan magkasama ang mag-asawa.

As far as the netizens are concerned–isa lang ang ibig ipakahulugan nito: Nangangamoy balikan ang mag-asawa.

Matatandaang December last year nang inilabas ni Trevor ang screen shot ng private convo sa pagitan ni Rufa Mae at ng isang lalaki.

Kasunod nito’y sumambulat na rin na may problema ang kanilang pagsasama.

Tinawag pa ngang “shit show” ni Trevor ang kanilang relasyon.

Rumesbak naman ang sexy comedienne asking her husband not to be mean to her kung gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.

Ang connubial isyu sa kanila came immediately after masangkot din si Rufa Mae sa parehong kasong kinaharap ni Neri Miranda.

Back to Trevor’s post, sapat na ‘yon para magbunyi ang mga netizens seeing them back together.

Pero mading nilinaw ni Trevor na: “You’ll be disappointed!”

Aniya, wala raw siyang balak makipagbalikan sa asawa.

Trevor stands his ground na ang trato pa rin niya kay Rufa Mae ay bilang ex-partner, maliban doon ay wala na.

December 13 last year nang simulan na ang pagpoproseso ng kanilang divorce papers sa kagustuhan na rin ni Trevor.

Bukas ang Remate Online sa panig ni Rufa Mae. Ronnie Carrasco III