Home METRO Sunog sumiklab malapit sa Manila Cathedral

Sunog sumiklab malapit sa Manila Cathedral

Larawan mula sa Manila DRRM Office

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang commercial establishment malapit sa Manila Cathedral sa Intramuros nitong Sabado ng umaga.

Apektado sa sunog ang three-storey building sa Beaterio Street sa likod ng Manila Cathedral, base sa ulat.

Makikita ang makapal na usok sa lugar lampas alas-8 ng umaga.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang second alarm bago makontrol ang sunog lampas alas-9 ng umaga.

“Sa ngayon ay under control na po tayo as of 0901,” pahayag ni BFP Manila District Fire Marshal Fire Senior Superintendent Aristotle Bañaga sa isang panayam.

Wika pa ni Bañaga, walang nasugatan sa insidente. RNT/SA