Home HOME BANNER STORY 6 nagpakilalang empleyado ng Malakanyang arestado

6 nagpakilalang empleyado ng Malakanyang arestado

Iniharap ng National Bureau of Investigation ang anim na indibidwal na gumagamit sa pangalan ni First Lady Liza Araneta-Marcos para magbenta ng posisyon sa BARMM. Naaresto sila sa operasyon ng NBI sa Maynila. Cesar Morales

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na anim na indibidwal ang inaresto dahil sa pagbebenta ng posisyon sa gobyerno kabilang ang isa na nagsabing ang posisyon ay inayos ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon sa NBI, ang nasabing mga indibidwal ay inaresto dahil sa syndicated estafa at paglabag sa Artikulo 177 o usurption of authority o official functions ng Revised Penal Code sa entrapment operation sa Manila Hotel matapos nilang tanggapin ang marked money.

Bukod dito, nagpakilala rin ang mga suspek bilang mga empleyado ng Office of the President (OP), ayon sa NBI.

Sa sertipikasyon mula sa OP, kinumpirma na ang nasabing mga suspek ay hindi nila empleyado o hindi konektado sa Palasyo.

Nangyari ang operasyon matapos magreklamo ang isang complainant sa Office of the Special Task Force at Cybercime Division noong Huwebes na sinasabing ang isang “Diane” ay nag-alok sa complainant ng pwesto o posisyon bilang miyembro ng Bangsamoro Parliament sa halagang P8 milyon.

Nakipaglaro ang complainant at kalaunan ay nagkasundo ang dalawa para sa appointment ng anak at pamangkin ng complainant sa parliament sa halagang P15 milyon.

Tiniyak din ni Diane sa complainant na ang mga posisyon ay inayos umano ng Unang Ginang.

Sinabi niya na ang mga matagumpay na appointees ay manunumpa sa nitong Huwebes, Enero 3.

Sinabi ng NBI na isinagawa ang operasyon matapos ang pagpupulong sa pagitan ng complainant at ng grupo noong Enero 2, Huwebes sa Manila Hotel. Jocelyn Tabangcura-Domenden