Home ENTERTAINMENT Kathryn, naniwala sa pamahiin, nilantakan ang ubas!

Kathryn, naniwala sa pamahiin, nilantakan ang ubas!

Manila, Philippines- Anong suwerte pa ba ang hinihintay ni Kathryn Bernardo sa buhay niya?

Sa lovelife kaya?

Kung suwerte sa career ang pag-uusapan, Kathryn cannot ask for more.

Sa nagdaang taon, her movie Hello Love Again with Alden Richards was hailed as the highest grossing Filipino film of all time.

Bukod ito sa mga dumagdag na endorsements niya.

This year ay marami ring proyektong nakalinya na sa Kapamilya actress.

Ano’t kailangan pang maniwala ni Kathryn sa mga pamahiin?

Nitong bago maghiwalay ang taon, viral ang pagsalampak niya sa ilalim ng mesa.

Clad in polka dots, nilalantakan ni Kathryn ang sinasabing pampasuwerte–ang ubas.

An ages-old tradition na panahon pa ng Kastila, uso na rin ito sa India.

Ito’y kung saan kailangang umubos ng 12 piraso ng ubas bago mag-12:01 sa mismong unang araw ng bagong taon which is January 1.

Uvas de la suerte raw ang tawag sa tradisyong ito, na hindi naman sinasang-ayunan ng simbahang Katoliko.

Hindi kasi sa mga pamahiin nakasalalay ang kapalaran ng tao kundi sa kung ano ang itinakda ng Diyos.

From the non-spiritual point of view, wala naman sigurong masamang maniwala sa mga pamahiin lalo’t hindi naman nawawala ang ating pananampalataya.

Sa kaso nga lang ni Kathryn, wala ka nga naman maiisip na mahihiling pa niya except for a man na mamahalin siya’t mamahalin din niya. Ronnie Carrasco III