Home METRO Tricycle driver, bata natumbahan ng puno sa malakas na ulan sa Albay

Tricycle driver, bata natumbahan ng puno sa malakas na ulan sa Albay

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang tricycle driver at isang 12-anyos na batang lalaki matapos matumbahan ng puno ang kanilang sinasakyan sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Dahil sa bagyong Aghon ay nagdulot ito ng malalakas na pag-ulan dahilan para mabunot ang puno ng acacia at tinamaan ang tricycle bandang alas-10 ng umaga sa Barangay Homapon, Legazpi City.

Ang biktima ay kinilalang sina Fredel Bercilla, 30, drayber, at 12-anyos na bata na pawang mga residente ng Barangay Imalnod.

Ayon sa kapitan ng barangay Imalnod, kritikal ang drayber habang nananatiling unconscious ang bata.

Hindi naman nasaktan ang dalawa iba pang pasahero na pawang mga menor de edad. RNT/JGC