MANILA, Philippines – Kabuuang 6,338 pasahero na ang pinigil munang makabiyahe at nananatiling stranded sa mga pantalan na apektado ng bagyong Aghon.
Sa latest update ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga, Mayo 26, kasama sa mga stranded ang mga truck drivers, cargo helpers.
Stranded din ang 26 vessels, 14 motorbancas at 875 na rolling cargoes habang 76 sasakyang dagat pa at 21 motorbancas ang nanatili sa ligtas na lugar sa Northeastern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas at Southern Tagalog regions dahil sa bagyo.
Nauna nang nagbabala ang PCG sa mga ssaakyang-pandagat na iwasan munang maglayag sa gitna ng umiiral na sama ng panahon upang maiwasan ang anumang aberya sa gitna ng laot.
Gayundin, pinayuhan ang mga pasahero na huwag munang dumagsa sa mga pantalan na apektado ng bagyong Aghon upang hindi maistranded. Jocelyn Tabangcura-Domenden