Home METRO 4 tirahan sinira ng buhawi sa Northern Samar

4 tirahan sinira ng buhawi sa Northern Samar

MANILA, Philippines – Nasira ang apat na tirahan habang walo ang partially damaged, kabilang ang isang barangay covered court makaraang manalasa ang isang buhawi sa Barangay Caburihan, Lavezares, Northern Samar nitong Sabado, Mayo 25.

Ang buhawi ay iniulat na kasama ng bagyong Aghon na nakaapekto sa 12 katao.

Inilikas naman ang mga ito sa emergency shelter.

Sa kabutihang palad ay wala namang nasaktan sa pananalasa ng buhawi at sama ng panahon.

Tinatayang nasa P350,000 ang pinsala sa ari-arian. RNT/JGC