Home METRO Tricycle driver binoga ng rider, todas

Tricycle driver binoga ng rider, todas

Bulacan – Dead on the spot ang 36-anyos na lalaking lulan ng tricycle matapos barilin ng hindi nakilalang motorcycle rider sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ang biktima na si Jemmar Mendoza, may-asawa, residente ng Brgy. Pulong Buhangin.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng Santa Maria police station, nangyari ang insidente bandang 2:50 ng hapon nitong Pebrero 4 sa Brgy. Pulong Buhangin.

Ayon sa report, pauwi na ang biktima lulan ng tricycle nang harangin at barilin ng bumabang rider sa kanyang gray Yamaha Nmax na walang plaka.

Nalamang matapos barilin at bumulagta ang biktima ay agad humarurot ang suspek patungo sa direksyon ng Norzagaray.

Nang makarating sa mga awtoridad ang nangyari ay mabilis na nagsagawa ng dragnet operation para mahuli ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. Dick Mirasol III

Previous articleAbuevas, Tautuaas nagkainitan sa MOA
Next articleHakbang ng pamahalaan sa pagpapaunlad sa Mindanao, nagbubunga na – DBM