MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang isang tricycle driver na akusado sa child abuse matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan sa Brgy. Sipac-Almacen ang presensya ng 57-anyos na akusado na residente ng Sampaguita Street, Brgy. Tanza.
Katuwang ang Police Sub-Station 1, agad nagsagawa ng joint operation ang mga tauhan ni Cortes na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-9 ng umaga sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy,, Sipac-Almacen.
Dinakip ang akusado sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 9-FC, noong February 11, 2025 para sa pagabag sa Section 10 (A) of Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) na may inirekomendang piyansa na P80,000.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. Merly Duero