Home ENTERTAINMENT Sharon, may biro kay Ricky sa langit!

Sharon, may biro kay Ricky sa langit!

0
Sharon, may biro kay Ricky sa langit!

Manila, Philippines – Seryosong kontrabida pero mabait.

This is how Sharon Cuneta described the “screen” Ricky Davao, in stark contrast kung sino ito sa totoong buhay.

Sa mga hindi nakakaalam, to Sharon’s recollection ay dalawang pelikula ang pinagsamahan nila ni Ricky.

Ang mga ito’y Kung Aagawin Mo Ang Lahat at Kahit Konting Pagtingin.

Masasabi ngang strongly bonded sila dahil ninang si Megastar ng isa sa mga anak nina Ricky at Jackie Lou Blanco.

Needless to say, labis na ikinalungkot ni Sharon ang sunud-sunod na showbiz deaths.

To the point daw na hindi pa raw siya nakaka-get over sa nauna, heto’t mabilis na nasundan.

In showbiz circles, kilalang mahilig kumanta si Ricky.

Paglalarawan nga ng malapit niyang actor friend na si Michael de Mesa, once Ricky got his hands on the microphone ay wala nang bukas pag nagsimula na itong kumanta.

Dahil aware din si Sharon sa “ugaling” ito ni Ricky ay nag-iwan siya ng payo kay Ricky sa paraang idinaan sa biro.

“Ricky, baka naman kulitin mo si Ate Guy at Tita Pilita para makipag-duet…sasabihin tiyak nila, hanggang dito ba naman?”

Pero tiyak daw na “pangabog” na ang heavenly voice ni Ricky. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here