Home NATIONWIDE Trike driver na rapist kalaboso sa Pangasinan

Trike driver na rapist kalaboso sa Pangasinan

175
0

PANGASINAN- Kalaboso ang isang lalaki na Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa patung-patong na kaso ng panggagahasa matapos itong mahulog sa kamay ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa bayan ng Umingan.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na isang 41-anyos na lalaki na isang traysikel driver na akusado sa 4 counts of Statutory Rape at tinaguriang Top 1 Most Wanted Person Municipal level sa nasabing lugar.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte kung saan walang inirekomendang piyansa laban dito.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here