Home METRO Trike rider sumalpok sa poste, todas

Trike rider sumalpok sa poste, todas

236
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang hindi nakilalang tricycle driver matapos umanong aksidenteng sumalpok sa poste sa kahabaan ng San Miguel, nitong gabi ng Disyembre 3.

Sa Facebook post na nagviral nitong Huwebes, nangyari ang insidente bandang 11:00 ng gabi sa kahabaan ng Brgy. Sta. Ines.

Dahil dito, nanawagan ang mga opisyal ng Brgy. Sta. Ines na i-ishare ang kanilang facebook post upang makilala ng kaanak ang biktima.

Ayon sa post, walang nakitang ID o anumang pagkakakilanlan sa naturang motorsiklong Honda TMX na may sidecar na may tatak na Bongabon na nagkawasak-wasak.

Nabatid din na wala pang mga kaanak ang nagpupunta sa biktima na kasalukuyang nakalagak sa morge sa nasabing lugar.

Sinusulat ito, may nagcomment sa viral na post na nagsabing residente ng Rizal, Nueva Ecija ang biktima na pinsan ng asawa niya, ayon sa isang babaeng netizen. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here