Home NATIONWIDE Trillanes, bukas sa Senate hearing; nanawagan ng pagkakaisa vs “Duterte camp”

Trillanes, bukas sa Senate hearing; nanawagan ng pagkakaisa vs “Duterte camp”

80
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na handa siyang tanggapin ang posibleng imbitasyon ni Senador Rodante Marcoleta na dumalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng kanyang presensya sa umano’y attempt na arestuhin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa noong Mayo 11.

“I’m game dyan. Hindi naman ako natatakot dito kay Marcoleta…Kung si Marcoleta, hahamunin niya akong pumunta ng Senado para batukan siya, I will accept that as well,” ani Trillanes sa isang panayam noong Mayo 30.

Ayon kay Trillanes, nasa Senado siya noong araw na iyon dala ang kopya ng ICC warrant dahil nauna umanong hinamon siya ni Dela Rosa. “Pero time and again paulit-ulit kong sinasabi nandodoon ako kasi hinamon ako ni Bato… Ang hamon pwede mong i-accept yung challenge o hindi.”

Sinabi rin niya na marami umanong natatanggap na impormasyon kung saan nagtatago si Dela Rosa, ngunit kailangang beripikahin muna ang mga ito. “Maraming mga leads pero kailangan i-validate ito… Pag dumungaw yan, arestado yan,” dagdag niya.

Samantala, nanawagan si Trillanes na magkaisa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga “middle forces” laban sa posibleng pagbalik sa kapangyarihan ng kampo ng Duterte sa 2028.

“That’s the most prudent thing to do na magsanib pwersa ang Marcos administration at ang mga middle forces… para siguraduhin hindi na makakabalik sa pwesto ang mga Duterte,” aniya.

Dagdag pa niya, wala pa siyang natatanggap na pormal na alok mula kay Marcos Jr. para sa anumang posisyon sa susunod na halalan. Giit din niya, hindi siya tatakbo sa 2028 ngunit susuporta siya sa kandidatong sa tingin niya ay karapat-dapat, at sa kasalukuyan ay si Sen. Risa Hontiveros ang kanyang sinusuportahan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here