Home OPINION TRO NG SC VS COMELEC RESO

TRO NG SC VS COMELEC RESO

DALAWANG mahalagang Temporary Restraining Order ang inilabas ng Korte Suprema upang ipatigil ang implementasyon ng Commission on Elections resolutions.

Una, COMELEC Resolution No. 11044-A “which bars dismissed public officials with perpetual disqualification from holding public office from filing a certificate of candidacy despite the pendency of an Appeal.

Ang TRO ay inilabas sa kasong isinampa ni former Albay Governor Noel Rosal “which seeks to nullifying Comelec Resolution no. 11044.

Dismissed from service ng COMELEC si Rosal “in an administrative case with an accessory penalty of perpetual disqualification from holding public office. Rosal filed his COC for governor.

Sa petition ni Rosal kung saan ang abogado niya ay si Atty. Romulo Macalintal, “Existing Jurisprudence or decisions of the Supreme Court and even existing Comelec policy, have been very consistent in previous elections that the said penalty of perpetual disqualification applies only once the decision of the Ombudsman becomes final and executory.

Ito rin ang argumento nina Mandaue City Mayor Jonas Cortes at Cebu City Mayor Michael Rama.

Ibig sabihin, dahil may TRO ang Korte Suprema, ay maaari pang maghain ng kandidatura ang tatlo at ang iba pang apektado ng Comelec Resolution kahit na may perpetual disqualification na sila hangga’t hindi pa final and executory.

Ito ang dahilan kung bakit kahit may mga conviction na ang ilang opisyal na may perpetual disqualification ay nakatatakbo at nauupo pa rin sa pwesto dahil hindi pa final and executory ang decision laban sa kanila.

Nais ng Comelec na perpetually disqualified na ang mga ito “pending appeal” o kahit hindi pa final and executory ang disqualification.

Parang sa labor cases o ejectment, ang desisyon ay executory pending appeal.

Dahil na TRO, nakapaghain ng kandidatura ang mga opisyal na may kasong may perpetual disqualification pero “not yet final and executory”.

Pangalawang nilabasan ng TRO ng SC ay ang Comelec Resolution 11045 section 11 nagsasaad na “public officials who accept a nomination as a party list representative may continue to hold office even after acceptance of their nomination”.

Ang nais ng COMELEC ay pwede maging nominado ng isang party list ang isang appointed official kahit hindi siya nagresign sa pwesto dahil ang kandidato ay hindi ang nominado kundi ang party list.

Pero na TRO nga ito ng Korte Suprema kaya kapag ang isang appointed government official ay nominado ng isang kandidatong party list dapat ay considered resign siya.

Sana, magkaroon ng kapasyahan ang SC sa dalawang issue na ito bago magsimula ang campaign period ng 2025 elections.