Home HOME BANNER STORY Tropical Depression Gener, tumama na sa Isabela!

Tropical Depression Gener, tumama na sa Isabela!

MANILA, Philippines – Tumama na sa bahagi ng Isabela at inaasahang tatawirin ng Tropical Depression Gener ang hilagang Luzon ngayong araw, Setyembre 17.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Tropical Depression Gener sa bisinidad ng Alicia, Isabela taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Zambales
Tarlac
Nueva Ecija
Pampanga
Bulacan
Northern at central portions ng Bataan (Dinalupihan, Orani, Hermosa)
Aurora
Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang ang Polillo Islands
Northern portions ng Rizal (Rodriguez, San Mateo)
Northern portion ng Metro Manila (Quezon City, Caloocan City, City of Valenzuela, City of Malabon, City of Navotas, City of Marikina, City of Manila, City of San Juan, City of Mandaluyong)

Palalakasin ng Tropical Depression Gener ang southwest monsoon o habagat na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Rizal, at Quezon ay magkakaroon ng malalakas na pag-ulan na may bugso ng malakas na hangin, habang ang Palawan, Occidental Mindoro, Aklan, Antique, at Negros Occidental ay magkakaroon din ng malalakas na pag-ulan dahil sa habagat.

Ang nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Island Region ay makararanas naman ng occasional rains dahil din sa habagat.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Caraga, at Northern Mindanao.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms. RNT/JGC