Home NATIONWIDE Tropical Depression, LPA nasa labas pa ng PAR – PAGASA

Tropical Depression, LPA nasa labas pa ng PAR – PAGASA

MANILA, Philippines – Nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nabuong bagong Tropical Depression sa silangan ng bansa, ngayong Biyernes ng umaga, Oktubre 25 ayon sa PAGASA.

“A Tropical Cyclone Advisory will be issued once the tropical cyclone (10d) enters the longitude of 145°E,” sinabi pa ng ahensya.

“Additionally, a Low Pressure Area (LPA 10e) is being monitored within the PAGASA monitoring domain. The potential for LPA (10e) to develop into a Tropical Depression within the next 24 hours still remains LOW,” dagdag pa.

Inaabisuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na imonitor ang mga galaw ng bagyo at ng low pressure area. RNT/JGC